Showing posts with label Poems. Show all posts
Showing posts with label Poems. Show all posts

1.12.2014

Unsyami

Dahil sa naunsyaming batchoy
idinulot ay lumbay at lungkot 
kaya sa malamig na panahon
magkayakap ay tamlay at bagot!

7.20.2009

Management

What is Management?
Adopted from M. Scott Myers' Rhymes of the Ancient Manager (1994).

The purpose of all management

is to cultivate motivation
and manage innovation.
Perpetuating the status quo
is leadership abdication.

Managers who bluff their way
as though they know it all,
not hearing voices from below,
will self-destruct and fall.

Managers are like other folks
who reach life's half-way mark;
some arrive enlightened,
some are in the dark.

For most it is the zenith,
beginning downward trends
few go beyond the middle rung
in growth that never ends.

Most managers follow
the path where others go;
few take the path less traveled,
to seek the next plateau.

Insights from the less trod path
presented on our life's pages,
are tips for self-renewal
gleaned throughout the ages.

6.19.2009

Desideratas

Desiderata

Lakaw nga magmalinawon bisan taliwala sa kasamok ug pagkadinalian, ug timan-i ang kadait nga ana’a diha sa kahilum. Kung mahimo lang nga walay pagluwat, makig-angay sa kadaghanan. Ipadayag ang imong kamatuoran sa ligdong ug hapsay nga pamaagi; maminaw sa uban, bisan sa mga hungog ug mga burong – sila usab adunay ilang mga sugilanon.

Likayi ang mga banha’an ug mahulgaon, sila ang makahatag og pagsamok sa galamhan. Kung itandi nimo ang imong kaugalingon sa uban, mamahimo nga ikaw walay hinungdan ug masilagon; tungod kay sa kanunay adunay mga tawo nga labaw ug ubos kanimo. Ikalipay ang imong mga kalampusan ingon usab sa imong mga laraw.

Padayon sa imong kaikag sa kinaugalingong buhat, bisan unsa pa kamapaubsanon; usa kini ka bahandi sa nagkalain-laing dagan sa panahon. Magbinantayon ka sa imong mga kalihukan; tungod kay ang kalibutan puno’ og mga panglingla. Apan ayaw itugot nga ikaw mabutahan sa kaayuhan niini; daghan ang naningkamot sa pagkab-ot sa hata’as nga mga sumbanan; ug bisan asa pa man, ang kinabuhi puno’ og kabayanihan.

Pagmatinud’anon sa imong kaugalingon. Ug labi na gayud, ayaw pag-paka’aron’ingnon sa imong pagbati. Ayaw usab itugot nga ikaw matahapan mahitungod sa gugma; tungod kay taliwala sa kalaay ug walay kadasig, kini sama ra sa mga balili nga malungtaron.

Dawata sa maayong kabubut-on ang tambag sa mga katigulangan samtang gibiyaan nimo sa maayong buut ang mga butang sa pagkabatan’on. Hatagi og maayong pagtagad ang kalig-on sa kalag aron panalipdan ka niini sa wala damha nga katalagman. Apan ayaw kabalakhi ang imong kaugalingon sa mga nagkadaiyang panghuna’huna. Daghan mga kalisang ang nagagikan sa kakapoy ug kamingaw.

Uban sa malunsay nga pagpamitol, pagpamalulot sa imong kaugalingon. Anak ka sa kalibutan, sama sa mga kakahoyan ug bitoon; aduna kay katungod nga mabuhi. Ug tataw man o dili sa imong kaugalingon, walay pagduha’duha nga ang tibuok kalibutan nagbutyag sa iyang pagkamahinungdanon.

Busa, pakigdait uban sa Dios, bisan kinsa man Sya sa imong pagtoo, ug bisan unsa pa man ang imong mga buluhaton ug mga gipangandoy, taliwala sa kasamok ug kalibog, pakigdait usab sa imong kalag. Taliwala sa tanang pasumangil, kabudlay ug mga damgo nga napakyas, matahum gihapon ang kalibutan.

Pag’ayo’ayo! Paninguha nga magmalipayon!

_________________________________________________

Desiderata

Humayo kang panatag ang loob sa mundo ng ingay at kaabalahan, at iyong tandaan anong kapayapaan ang madarama sa katahimikan. Hangga’t maaari at walang pagsuko, makibagay ka sa lahat ng kapwa mo tao. Tahimik at malinaw mong bigkasin ang sa iyo’y totoo; at ang iba’y pakinggan. Ang mapupurol man at walang nalalaman; sila rin ay may kani-kaniyang kasaysayan.

Maiingay at basagulero’y iyong iwasan; kayamutan lamang sila sa kalooban. Kung ihahambing mo sa iba ang sarili, baka yumabang ka lamang at ang loob mo’y sumama, sapagkat palagian mong matatagpuan ang mga taong hihigit at kukulang sa iyong katayuan. lkalugod mo ang iyong mga tagumpay at gayundin ang mga balak.

Interes mo’y panatilihin sa iyong gawain, ito man ay hamak, tunay itong kaangkinan sa panahon ng pabugsu-bugsong kapalaran. Buong ingat mong asikasuhin ang iyong negosyo, dahil puno ng panlilinlang ang ating mundo. Gayunman, huwag mong ikabulag ito sa kabutihang naririyan din; marami ang nagpupunyaging matamo ang matatayog na mithiin, at sa lahat ng dako ang buhay ay lipos ng kabayanihan.

Maging tapat ka sa sarili. Higit sa lahat, paggiliw ay huwag mong ipagkunwa. Sa pag-ibig huwag ka ring maging mapangkutya; sapagkat sa kabila ng katigangan ng puso’t napawing tiwala, tulad ng damo siya’y habang panahong naririyan.

Payo ng mga taon tanggapin mong masuyo, mga bagay ng kabataan magaan ang loob mong isuko. Palakasin mo ang kalooban upang masangga ang biglang kasawian. Huwag mong ikabahala ang mga agam-agam gayumpaman. Maraming pangamba’y mula lamang sa pagod at kalungkutan.

Bukod sa kapaki-pakinabang na disiplina, sarili mo’y pagbigyan. Isa kang anak ng sanlibutan, tulad ng mga tala at kakahuyan; ang manatili rito ay iyong karapatan.

At malinaw sa iyo o hindi man, walang alinlanga’t bumubukadkad nang dapat ang santinakpan. Samakatuwid makipagkasundo ka sa Diyos, anuman Siya sa iyong isipan. At anuman ang iyong gawain at hangarin, sa gulo’t ingay ng buhay, panatilihin mong panatag ang loobin. Sa kabila ng kanyang kahuwaran, paghihirap at mga bigong adhikain, ito’y isa pa ring daigdig na maganda.

Mag-ingat. Sikapin mong lumigaya.

_________________________________________________

Desiderata

Go placidly amidst the noise and haste and remember what peace there may be in silence. As far as possible, without surrender, be on good terms with all persons.

Speak your truth quietly and clearly; and listen to others, even to the dull and ignorant; they too have their story.

Avoid loud and aggressive persons; they are vexations to the spirit. If you compare yourself with others, you may become vain or bitter, for always there will be greater and lesser persons than yourself. Enjoy your achievements as well as your plans.

Keep interested in your own career, however humble, it's a real possession in the changing fortunes of the time.

Exercise caution in your business affairs, for the world is full of trickery. But let this not blind you to what virtue there is; many persons strive for high ideals, and everywhere life is full of heroism.

Be yourself. Especially do not feign affection. Neither be cynical about love; for in the face of all aridity and disenchantment, it is as perennial as the grass.

Take the counsel of the years, gracefully surrendering the things of youth. Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune. But do not distress yourself with dark imaginations. Many fears are born of fatigue and loneliness.

Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself. You are a child of the universe, no less than the trees and the stars; you have a right to be here. And whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should.

Therefore be at peace with God, whatever you conceive Him to be. And whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life, keep peace in your soul.

With all its sham, drudgery and broken dreams, it is still a beautiful world! Be cheerful!

Strive to be happy!
_________________________________________________
(various sources)

6.14.2009

Mga Piling Tula (1988-1998)


TULA

(Ronnie Amorado, August 1991)
-Winning entry @ Philippine Poetry Anthology, 1991-

Pakinggan aking tula
sa isip, salita at gawa
puso, buhay at kaluluwa.
Maganda, nanghahalina
ang tula'y punong-puno ng pag-asa.
Damhin ang tula
sa gitna ng kaguluhan
ito'y may kulay at halaga
sa piling ng katotohanan.
Pakinggan aking tula
at harapin ang kinabukasan
buhay ay may pagbabago
sapagkat tula'y nagpapaibayo.
Ibigin ang tula...
ito'y may lakas sa damdamin
malaya, malawak, malikhain
at magpakailanman...
wagas ang tula sa ating piling!
_______________________________

Istres!
(Ronnie Amorado, March 1998)

Ako'y nai-istres
Nangangalumbaba
nangunguyakoy
laging nakatulala
nakanganga
at nakatanga!

Nakatingin sa malayo
marami, mabilis
ang mga iniisip
hindi nagkakasya
sa ulong
pilit pinipiga!

Kinukulang sa oras
nagmamadali
naghahabol
pinagpapawisan
nagkaka-alta presyon!

Hindi makakain
animo'y parang busog
sa mga asidong
tumutunaw sa lamang loob
dumidighay
napapautot
o kaya'y ulser
ang idudulot!
___________________________

Believe!
(Ronnie Amorado, October 1994)

When the mind
conceives
and the heart
believes
the body always
achieves!
Conceive...
of the things
haven't done
as the precious past
will always last
and of the things
that can be done
they'll never be gone!
Believe...
make it happen
and achieve!
_____________________________

Soulmate
(Ronnie Amorado, September 1994)

Soulmate, my soulmate
I am your soul intimate
we speak through the eyes
and feel through the soul
our vibes are tied
I am always at your side.
Our hearts beat
our spirits seek
the words in rythmic
when we always meet.
Listen to the winds
the winds that bind
that carry the aura
that caress our soul
soulmate, my soul intimate!
_____________________________


Ang Pangungumpisal
(Ronnie Amorado, March 1994)

Mahal na Linggo
sa taong nobenta'y kuwatro
sa kapilya ng UP
sa dako ng Biyernes Santo.
Ako'y nangumpisal
sa tanang mga sala
hindi binalak
napilitan lang ng nobya.
Huling pangumpisal
sa nakaraang taon
nanghihinayang...
nagdadalawang isip...
lagi pa ring nagkakasala
mga pangako'y napapako.
Humihingi ng kapatawaran
kahit baluktot pa rin
kaya ayaw nang mangako,
batid ang kahinaan.
Pero tapat sa loob
may gustong magbago
at maging matuwid
kahit kulang lang sa tulak
kahit may kasamaan din sa loob.
Nagninilay-nilay...
minsan tahimik
nagdarasal na lang
ng pag-gabay
ng tamang pag-iisip
ng wastong pagkilos
ng maunawaing pakiramdam
at pagtanggap
ng pagpapakumbaba.
Nag-aalangan...
parang ayaw mangumpisal
di dahil sa hindi naniniwala
kaya lang lagi pa
ring nagkakasala!
_______________________________

Ang Paninindigan
(Ronnie Amorado, April 1992)

May kamulatan, may kamalayan
ngayon iyong naiintindihan
ang galaw ng lipunan
lumalaki ka, at isa nang propesyonal
kasama ng isang samahang
nangangarap at may inaasam
ng tunay na pagbabago
sa lipunang inaapi.

Patuloy pa rin sa pagtatanong
walang hapong naghahanap ng sagot
habang tumutubo
sa teorya at karanasan.
Natututo...
kahit papaano
nagigiging malakas
at matapang
sa gitna ng pagkahina
at kawalan ng pag-asa!
___________________________

Katibak
(Ronnie Amorado, March 1991)

Kasama, kaisa
kaibigan, kahanay
sa mundo ng peti-burgis
ipinanganak kang panganay
wala kang paghihinagpis
lumaki ka sa karangyaan
ngunit namumulat
sa mga bagay-bagay
sa iyong kapaligiran.

Lumabas ka sa paaralan
upang makita ang lahat
gusto mong lumaban
ngunit takot sa sistema
sumama sa lansangan
ngunit hanggang doon na lang.

Nakihalo, nakihalubilo
sa mga magsasaka
manggagawa at mangingisda
pero ano ang iyong magagawa
wala, wala, wala!

Ang daming tanong
at maraming sagot
mayayamang sintesis
ng teorya at karanasan
ano'ng modelo ba
ang may kalunasan?

Paurong, pasulong
matapang na natatakot
maraming puna
ngunit para bang...
nagkukulang sa gawa.

Lalaki kang binata
may prinsipyo at paninindigan
may mga pangarap
at inaasam-asam
mga pagbabago sa lipunan
makikiramdam ka...
at makikiisa
sa kilusang pagbabago
sa isip at puso
kahit papaano!
____________________________

Ang Pag-ibig at Pakikibaka
(Ronnie Amorado, April 1990)

Ang pag-ibig at pakikibaka
ay hindi nagkakaiba
nagmamahal, nagkukusa
nangangarap, naglalayon
naninindigan...
at nakikipaglaban!

Sa pag-ibig
ay may pagpaparaya,
sa pakikibaka
ay may pagtataya,
ang dalawa'y
hindi maihihiwalay
tulad ng puso at buhay!

Ang pakikibaka'y
may kabuluhan
kung may pag-ibig
na naghahari
ganoon din ang pagmamahal
na mas nadadama
kung nakaugat...
sa pakikibaka!
____________________________

Buntot sa Buhok
(Ronnie Amorado, October 1988)

Simbolo ng pagkamagiting
lumaban hanggang...
sa kahuli-hulihang sandali
ibinagsak ng mapang-aping
kumpormismo!
Ito ang simbolo ng protesta
ng hindi pagsang-ayon ng pagkalinga
sa lipunang nakakasawa!
Bagama't nag-iisa
ang pagputol nito'y
hudyat ng bagong sibol
mas mataas,
mas mahaba,
mas matatag!
_____________________________