6.14.2009

Mga Piling Tula (1988-1998)


TULA

(Ronnie Amorado, August 1991)
-Winning entry @ Philippine Poetry Anthology, 1991-

Pakinggan aking tula
sa isip, salita at gawa
puso, buhay at kaluluwa.
Maganda, nanghahalina
ang tula'y punong-puno ng pag-asa.
Damhin ang tula
sa gitna ng kaguluhan
ito'y may kulay at halaga
sa piling ng katotohanan.
Pakinggan aking tula
at harapin ang kinabukasan
buhay ay may pagbabago
sapagkat tula'y nagpapaibayo.
Ibigin ang tula...
ito'y may lakas sa damdamin
malaya, malawak, malikhain
at magpakailanman...
wagas ang tula sa ating piling!
_______________________________

Istres!
(Ronnie Amorado, March 1998)

Ako'y nai-istres
Nangangalumbaba
nangunguyakoy
laging nakatulala
nakanganga
at nakatanga!

Nakatingin sa malayo
marami, mabilis
ang mga iniisip
hindi nagkakasya
sa ulong
pilit pinipiga!

Kinukulang sa oras
nagmamadali
naghahabol
pinagpapawisan
nagkaka-alta presyon!

Hindi makakain
animo'y parang busog
sa mga asidong
tumutunaw sa lamang loob
dumidighay
napapautot
o kaya'y ulser
ang idudulot!
___________________________

Believe!
(Ronnie Amorado, October 1994)

When the mind
conceives
and the heart
believes
the body always
achieves!
Conceive...
of the things
haven't done
as the precious past
will always last
and of the things
that can be done
they'll never be gone!
Believe...
make it happen
and achieve!
_____________________________

Soulmate
(Ronnie Amorado, September 1994)

Soulmate, my soulmate
I am your soul intimate
we speak through the eyes
and feel through the soul
our vibes are tied
I am always at your side.
Our hearts beat
our spirits seek
the words in rythmic
when we always meet.
Listen to the winds
the winds that bind
that carry the aura
that caress our soul
soulmate, my soul intimate!
_____________________________


Ang Pangungumpisal
(Ronnie Amorado, March 1994)

Mahal na Linggo
sa taong nobenta'y kuwatro
sa kapilya ng UP
sa dako ng Biyernes Santo.
Ako'y nangumpisal
sa tanang mga sala
hindi binalak
napilitan lang ng nobya.
Huling pangumpisal
sa nakaraang taon
nanghihinayang...
nagdadalawang isip...
lagi pa ring nagkakasala
mga pangako'y napapako.
Humihingi ng kapatawaran
kahit baluktot pa rin
kaya ayaw nang mangako,
batid ang kahinaan.
Pero tapat sa loob
may gustong magbago
at maging matuwid
kahit kulang lang sa tulak
kahit may kasamaan din sa loob.
Nagninilay-nilay...
minsan tahimik
nagdarasal na lang
ng pag-gabay
ng tamang pag-iisip
ng wastong pagkilos
ng maunawaing pakiramdam
at pagtanggap
ng pagpapakumbaba.
Nag-aalangan...
parang ayaw mangumpisal
di dahil sa hindi naniniwala
kaya lang lagi pa
ring nagkakasala!
_______________________________

Ang Paninindigan
(Ronnie Amorado, April 1992)

May kamulatan, may kamalayan
ngayon iyong naiintindihan
ang galaw ng lipunan
lumalaki ka, at isa nang propesyonal
kasama ng isang samahang
nangangarap at may inaasam
ng tunay na pagbabago
sa lipunang inaapi.

Patuloy pa rin sa pagtatanong
walang hapong naghahanap ng sagot
habang tumutubo
sa teorya at karanasan.
Natututo...
kahit papaano
nagigiging malakas
at matapang
sa gitna ng pagkahina
at kawalan ng pag-asa!
___________________________

Katibak
(Ronnie Amorado, March 1991)

Kasama, kaisa
kaibigan, kahanay
sa mundo ng peti-burgis
ipinanganak kang panganay
wala kang paghihinagpis
lumaki ka sa karangyaan
ngunit namumulat
sa mga bagay-bagay
sa iyong kapaligiran.

Lumabas ka sa paaralan
upang makita ang lahat
gusto mong lumaban
ngunit takot sa sistema
sumama sa lansangan
ngunit hanggang doon na lang.

Nakihalo, nakihalubilo
sa mga magsasaka
manggagawa at mangingisda
pero ano ang iyong magagawa
wala, wala, wala!

Ang daming tanong
at maraming sagot
mayayamang sintesis
ng teorya at karanasan
ano'ng modelo ba
ang may kalunasan?

Paurong, pasulong
matapang na natatakot
maraming puna
ngunit para bang...
nagkukulang sa gawa.

Lalaki kang binata
may prinsipyo at paninindigan
may mga pangarap
at inaasam-asam
mga pagbabago sa lipunan
makikiramdam ka...
at makikiisa
sa kilusang pagbabago
sa isip at puso
kahit papaano!
____________________________

Ang Pag-ibig at Pakikibaka
(Ronnie Amorado, April 1990)

Ang pag-ibig at pakikibaka
ay hindi nagkakaiba
nagmamahal, nagkukusa
nangangarap, naglalayon
naninindigan...
at nakikipaglaban!

Sa pag-ibig
ay may pagpaparaya,
sa pakikibaka
ay may pagtataya,
ang dalawa'y
hindi maihihiwalay
tulad ng puso at buhay!

Ang pakikibaka'y
may kabuluhan
kung may pag-ibig
na naghahari
ganoon din ang pagmamahal
na mas nadadama
kung nakaugat...
sa pakikibaka!
____________________________

Buntot sa Buhok
(Ronnie Amorado, October 1988)

Simbolo ng pagkamagiting
lumaban hanggang...
sa kahuli-hulihang sandali
ibinagsak ng mapang-aping
kumpormismo!
Ito ang simbolo ng protesta
ng hindi pagsang-ayon ng pagkalinga
sa lipunang nakakasawa!
Bagama't nag-iisa
ang pagputol nito'y
hudyat ng bagong sibol
mas mataas,
mas mahaba,
mas matatag!
_____________________________